lagi kong binibisita ang peyups.com para magbasa ng posts sa thread ng PBB Celebrity Edition, at paminsan ay sa Maroon Mania (kung saan ako dati nagmaepal na mabuti dati). Napansin kong wala na nga pala yung thread ni Marvin Cruz, ang favorite kong basketball player and ang reason bakit ako nanood ng UAAP, PBL, at ngayon, PBA. siguro dahil dun sa mga takteng naninira sa kanya. ohwell. kahit naman anong sabihin nila, Marvin Cruz will always be Marvin Cruz. at favorite ko pa rin siya
anyway, napansin ko na meron talaga kong tendency na maging sobrang adik sa isang bagay. i swear. nakakahiya na nga yung mga pinaggagawa ko dati dun sa thread ni Miggy Maniego… i really liked him that time… at wala ng ibang means of showing it than to be super OA. yun nga lang, marami atang nayamot. tapos hindi na ko ulit nagpost after nun dahil naging busy ako masyado. siguro nga naisip nilang hindi ako for real. well, bahala na sila.
medyo nahurt ako nung mabasa ko yung posts nila nung after ng Milenyo… ang tagal din kasing nag-brownout nun dito samin dahil kami yung affected talaga nung bagyo… tas parang pinapalabas nila TG (= taong bundok) ako. kamusta naman yun?
kaya nabadtrip na rin ako… gahhhd.
ayoko na. tama na muna. babawi din ako.