ano nga ba?

super sunod-sunod yung birthdays ng mga past and present classmates ko. KC Ferre, Greg, Marc, Michy. christmas party ngayon sa admin, and super busog na busog ako sa dami ng foods! waah. haha. tapos ate joan complemented my attire. nakanang! haha..

so anong konek nun sa title? wala. eto yun.

kahapon kasi was Greg’s 19th birthday, na ni-celebrate nya kina Asas. ayun… sobrang na-OP ako dahil feeling ko, may nasasabi sila about me. lalo na yung isang kontrabida. ugh. why? dahil kay L. maaaan! sabay kasi kaming pumunta dun… so what? minamasama na nila yun ah? my god… hindi ko naman gagahasain yung tao! and basta, para bang dapat hindi ko siya lapitan… kasi masama. kasi hindi pwede. tapos parang lagi pa siyang tinatabihan ni bruha at natingin pa sakin. so hindi talaga ko at ease the whole time.

tapos lalo pa kong nawalan ng gana nung parang g*go si jm. kinakausap eh parang ewan~ tas parang umiiwas… na ewan na naman. daaang. pero nung kumakain ako nung inihaw, lumapit sya tas humingi. tas nung lumayo ako, medyo napalapit ako kay L and what did I get? tingin na parang nang-aasar from him and ian. g*go talaga!

hay. life’s a bitch.

****

pero eto talaga yung konek sa title. nung nag-smart ulit ako, nagpapa-miskol siya. nakanang… tapos nagkatext pa kami… and he even asked me kung pupunta ko dun sa birthday ni greg. aww. at eto pa, sabi niya, bumili daw siya ng shirt na kakulay and almost same design nung sakin. at sabi nya, sabay daw namin isuot. ayii~ haha. so binigyan ko naman ng meaning yun? lul ka, haha!

ewan ko. he might be just being sweet for the wrong reasons… and what i mean with that is “being sweet” sa opinion ko lang, na nasa isip ko lang.

ano nga ba? ewan. :(

backreading my addiction.

lagi kong binibisita ang peyups.com para magbasa ng posts sa thread ng PBB Celebrity Edition, at paminsan ay sa Maroon Mania (kung saan ako dati nagmaepal na mabuti dati). Napansin kong wala na nga pala yung thread ni Marvin Cruz, ang favorite kong basketball player and ang reason bakit ako nanood ng UAAP, PBL, at ngayon, PBA. siguro dahil dun sa mga takteng naninira sa kanya. ohwell. kahit naman anong sabihin nila, Marvin Cruz will always be Marvin Cruz. at favorite ko pa rin siya ;)

 anyway, napansin ko na meron talaga kong tendency na maging sobrang adik sa isang bagay. i swear. nakakahiya na nga yung mga pinaggagawa ko dati dun sa thread ni Miggy Maniego… i really liked him that time… at wala ng ibang means of showing it than to be super OA. yun nga lang, marami atang nayamot. tapos hindi na ko ulit nagpost after nun dahil naging busy ako masyado. siguro nga naisip nilang hindi ako for real. well, bahala na sila.

medyo nahurt ako nung mabasa ko yung posts nila nung after ng Milenyo… ang tagal din kasing nag-brownout nun dito samin dahil kami yung affected  talaga nung bagyo… tas parang pinapalabas nila TG (= taong bundok) ako. kamusta naman yun? :( kaya nabadtrip na rin ako… gahhhd.

ayoko na. tama na muna. babawi din ako.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.